Aug 22, 2017

Ang dating Principal ay isa na ngayong janitress sa parehong paaralang pinaglilingkuran niya

Ang dating Principal ay isa na ngayong janitress sa parehong paaralang pinaglilingkuran niya
Si Lola Pacing, photo from Pinoy Thinking
Para lang ipagpatuloy ang ating magandang buhay, kailangan nating ibigay ang lahat ng ating makakaya para lang mabigyan ng magandang buhay ang ating mga mahal sa buhay. Ito’y napakasimple sa iba, ngunit ito’y nakadepende sa iyong determinasyon sa pag-abot ng yong mga pangarap.



Isang dating prinsipal sa Ligaya Elementary School na matatagpuan sa isang lugar sa Quirino na nagngangalang Pacita Piano ay inakalang ang natitirang bahagi ng kanyang buhay matapos siyang magretiro ay hahantong sa isang mapayapa at financially secured sa mga daraang taon, ngunit sa kasamaang-palad para sa nanay Pacing, ito ay ganap na kabaligtaran.

Ayon sa isang kuwento na itinampok sa Rated K ng ABS-CBN, ang dating prinsipal ng elementarya ay hindi naninirahan sa isang buhay na kanyang hinahangad matapos siyang magretiro, sa katunayan, marami sa mga miyembro ng kanyang pamilya ang hindi nagbayad ng utang sa kanya. Ang masama pang balita ay nasunog pa ang bahay ni nanay Pacing noong 2004, kasama ang listahan ng mga taong may utang sa kanyang pera.

Ngayong nasa 84 taong gulang na si nanay Pacing, siya ay nagtatrabaho bilang isang janitress sa parehong paaralan na tinatawag niyang kanyang tahanan sa loob ng higit sa 50 taon.

Ayon sa isa sa mga guro na ininterview, ang retiradong prinsipal ay hindi pinilit na magtrabaho, ngunit ito ay ang kanyang sariling paraan upang ipakita ang kanyang pasasalamat sa isang 2,500 piso buwanang ibinigay sa kanya ng gobyerno.



Ito ay talagang nakakasakit ng damdamin na makakita ng mga matatandang tao na nagtatrabaho pa rin sa kabila ng kanilang katandaan. Tayo’y umaasa na si nanay Pacing ay makakatanggap ng tulong na kailangan niya, upang hindi siya kailangang magbanat buto at ienjoy na lamang ang mga nalalabing araw sa kanyang buhay.

Panoorin ang video:



Source: ABS-CBN News


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: