Aug 14, 2017

Narito ang dahilan kung bakit tinanggihan ni Bayani Agbayani ang MTRCB appointment

Narito ang dahilan kung bakit tinanggihan ni Bayani Agbayani ang MTRCB appointment
Bayani Agbayani, photo from Mubi

Ipinahayag ng komedyanteng si Bayani Agbayani ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang appointment bilang isang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).



Sa isang ulat sa website na Pep, ayon sa 48-taong-gulang na komedyante, ang dahilan kung bakit siya tumanggi sa alok ay sa kadahilanan ng kanyang schedule.

Batay sa kanyang pakikipanayam sa PEP.ph, “Papatak siya ng twice a week, five hours a day. Ang problema, iba-block off na.
Halimbawa, for the whole month, kukunin ko na yung Wednesday at Thursday, ngayon sinabihan ako na kapag may trabaho ka, makipagpalit ka dun sa kasama mo.
E, paano kung may trabaho din yung kasama ko, hindi makipagpalit sa akin?”

Idinagdag niya pa na ayaw niyang tanggapin ang posisyon kung alam niya na hindi niya ito magagampanan.

"Ever since naman, sa awa ng Diyos, hindi naman ako nabakante talaga. And natapat naman na nung in-appoint ako sa MTRCB board, e, talagang punung-puno,"

Para kay Agbayani, mahalaga na maging dedikado sa trabaho, lalo na kapag siya ay binabayaran gamit ang mga buwis na galing sa mga tao.



"Ayoko naman na magtatrabaho na hindi ko naman magagampanan 'yung trabaho ko. 'Di parang niloloko ko naman 'yung ibinabayad sa akin na mga taxes ng mga tao," sabi ni Agbayani.

Noong Nobyembre 2016, nang ilabas ang pag appoint kay Bayani Agbayani, ito ay kaniyang tinanggihan matapos malaman ang saklaw ng kanyang trabaho.

Ano ang masasabi mo tungkol dito mga kababayan?

Source: ABS-CBN News


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: