Aug 15, 2017

Cardinal Tagle, umani ng mga batikos dahil sa paghalik sa paa ni Andres Bautista

Cardinal Tagle, umani ng mga batikos dahil sa paghalik sa paa ni Andres Bautista
Photo from GMA News

Sa gitna ng iskandalo sa katiwalian na hinaharap ngayon ng mga Bautista, isang larawan ng isang pari ng Katoliko na hinahalikan ang mga paa ni Comelec Chairman Andres Bautista ang kumalat sa social media.



Isang Facebook page ang nag-post ng kontrobersyal na larawan ng paghalik ni Cardinal Tagle sa paa ni Comelec Chairman Bautista, na may caption na:

“THE FILIPINO PEOPLE ARE ASKING
What is he trying to prove by requesting Cardinal Tagle to kiss his feet ?”

Ang larawan na kumalat sa social media ay umani ng batikos  mula sa mga komento ng mga netizens na nagrereklamo ng galit. Ayon sa mga netizens, ang larawan umano ay nagpapakita na ang simbahang Katoliko ay nasa likod ni Bautista.

Ayon sa komento ng isang netizen “Tong mga paring to wala talgang delicadeza sa katawan. Alam naman nilang may issue yung tao eh nagpakuha pa talaga ng ganyan. Para na rin nilang sinasabi na oo lahat gagawin namin alang-alang sa pera at kapangyarihan. Hesusmaryosep!”

"Sa tingin nyo kaya libre itong ginawa ni tagle kay bautista?, "mga ka hoy", wala ng libre s kaparian ngayon, at anong gusto mong palabasin pader tagle, ang balasubas at salaula ay siyang banal,” komento ng isa pang netizen.



Komento naman ng isang ginang “Sus! Di na kami madadala sa mga pa santo effect nyo ..para ano kaawaan ka at ibaon sa lupa ang tagong yaman mo?”

Ayon naman sa isang babaeng netizen “When the Liberal Party uses religion and the Roman Catholic Church to try to fool the Filipino masses. And the Roman Catholic Church supports their move."

Meron namang ibang komento na naayon sa regulasyong ng mga katoliko tulad na lang ng mga komentong ito:

Sabi ng isang nagkomento “Holy Thursday ginagawa ng mga pari sa mga lay men e hinuhugasan nila paa ng lay man pero halikan in paa wala pa ako nakikita”

Komento din ng isa pang reader “In my presumption, this pic was taken during Holy Thursday, during a re-enactment of the washing/kissing of the feet of the 12 Apostles. The Comelec chairman maybe 1 of the 12 Apostles during the celebration of the Holy Eucharist that time.”

Sa ulat na ito, ang post ay nakakuha ng higit sa 440 shares, mahigit isang libong reactions at 900 komento sa Facebook.

Napag-alaman na ang litratong ito na kumakalat sa social media ay kuha noong nakaraang taon sa Manila Cathedral para sa misa ng Maundy Thursday.



Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: