Aug 16, 2017

Isang beteranong journalist, naniniwala na may ibang dahilan kung bakit nareject si Judy

Isang beteranong journalist, naniniwala na may ibang dahilan kung bakit nareject si Judy
Judy Taguiwalo, photo from Asia Pacific Forum on Women, Law and Development

Hindi na-appoint si Judy Taguiwalo bilang Secretary ng DSWD dahil karamihan sa mga myembro ng Commission on Appointments ay bumoto ng 'No'.

Maraming mga concerned citizen ang hindi sang-ayon sa naging desisyon ng CA dahil karapat-dapat daw umano si Taguiwalo bilang chief ng DSWD.



Isa si Ed Dan Verzola sa dismayadong Pilipino sa pagkabasura kay Taguiwalo. Si Verzola ay isang beteranong journalist sa radyo.

Ani Verzola, walang dahilan ang CA na ibasura si Taguiwalo dahil marami na siyang nagawa sa gobyerno. Ang alam lang nyang rason ay ang pagtanggi ni Taguiwalo sa Pork Barrel ng mga kongresista. "Tinaggihan siya dahil AYAW NIYA, TINANGGIHAN NIYA ang gusto ng mga mambabatas na bigyan sila ng kanilang pork barrel!", sabi ni Verzola.

Basahin ang buong pahayag ni Ed Dan Verzola:

Maraming bagyo at kalamidad ang nagdaan, nasagot lahat ng pamahalaan partikular ng DSWD. Hindi sila nanghingi ng tulong sa mga dayuhang bansa.

Nalilinis ng DSWD ang mga kuwestiyonableng listahan ng 4Ps na ginawa ng nagdaang korap at ganid na rehimen.

Ang mga bakwit sa Marawi City ay masaya sa kabila ng kanilang kalagayan. Naihahatid ng maayos ng DSWD ang lahat na kailangan.



Pero kanina, ibinasura siya ng maimpluwensiya na Commission on Appointments (CA) hindi dahil may pagkukulang si Secretary JUDY TAGUIWALO.

Inayawan siya ng mga senador at kongresista. Inihulog siya sa kabila ng napakagandang paglilingkod sa mamamayan.

Tinaggihan siya dahil AYAW NIYA, TINANGGIHAN NIYA ang gusto ng mga mambabatas na bigyan sila ng kanilang pork barrel! Ayon sa nakita natin na listahan - P30 milyon kada kongresista - magkano naman sa mga suwapang na senador?

PRESIDENT RODY, kailangan mo ang katulad ni KA JUDY. Kailangan mo ang katulad ni Ka Gina Lopez. Puwede mo silang ibalik para maglingkod sa Sambayanan.

Palitan na ang sistema ng pamamahala! REVOLUTIONARY GOVERNMENT, NOW!!!

Source: Ed Dan Verzola


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: