Aug 15, 2017

Ituloy Ang Digmaan Laban Sa Droga – Ito Ang Hinihikayat ni Davide kay Pangulong Duterte

Ituloy Ang Digmaan Laban Sa Droga – Ito Ang Hinihikayat ni Davide kay Pangulong Duterte
Cebu Governor Hilario Davide III and President Rody Duterte

Alam nating lahat na kamakailan lamang ay hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gobernador Hilario Davide III bilang tagapangulo ng Regional Peace and Order Council -7 noong pagbisita ng Pangulo sa Cebu.

Ipinaabot ni Duterte kay Davide na humingi ng tulong sa mga opisyal ng pamahalaan upang matulungan ang labanan ng kanyang administrasyon laban sa mga bawal na gamot. At ito naman ay tinugunan ni Davide.



Kamakailan lamang ay sinabi ni Pangulong Duterte na ang iligal na pagpupuslit ng droga dto sa Pilipinas ay hindi pa nahahawakan at hindi pa lubusang nasusugpo. At dahil doon,dito na umalma si Davide.

Ayon kay Gobernador Hilario Davide III, ang problema ng Pilipinas sa mga iligal na droga ay hindi basta basta na lamang matatanggal, ngunit naninigurado siya na ang mga kaso ay nabawasan nang malaki.

Sa kabila ng maliwanag na pangamba ng pangulo, inaasahan ni Davide na patuloy pa ring isusulong ni Pangulong Duterte ang labanan para sa pagsugpo ng droga.

Sinabi ni Davide sa mga lokal na reporter sa Capitol ng Cebu Provincial noong Lunes ng umaga na maaaring nabawasan na ang mga supply ngunit may mga pagkakataon pa rin na pagnawala at namatay lahat ng mga supplier, merong pa ring uusbong na bagong papalit sa mga matataas na supplier.



Ayon kay Davide,saksi ang buong Pilipinas sa mga resulta ng kampanya ni Duterte.

Idinagdag pa ni Davide na naintindihan niya ang punto ni Duterte, lalong lalo na sa napakahirap na pagtugis sa mga supplier ng mga iligal na droga.

Bago pa man napanalunan ni Duterte ang pagkapangulo noong Mayo 2016, ipinangako na ni Duterte na papawiin ang problema sa iligal na droga sa Pilipinas.

Kaya todo ang suporta ni Davide lalong lalo na sa labanan para sa illegal na droga.

Source: Inquirer Cebu


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: