Aug 14, 2017

Mahigit 90 lawmakers ang handa raw sumuporta sa impeachment laban kay Lourdes Sereno

Mahigit 90 lawmakers ang handa raw sumuporta sa impeachment laban kay Lourdes Sereno
Atty. Lorenzo Gadon  and Chief Justice Lourdes Sereno

MANILA, Pilipinas - Ang abogado na nagtutulak para sa impeachment ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay nagsabing siya’y suportado ng mahigit 90 na mambabatas mula sa House of Representatives.

Sinabi ni Atty. Lorenzo Gadon na mahigit 90 solons ang sumusuporta sa kanyang impeachment rap laban sa SC chief justice.



Sinabi rin niya na maraming naniniwala na umiiral ang dahilan para sa impeachment ni Sereno, at dahil dito siya’y tinutulak  na maghain ng reklamo.

Dagdag pa niya na siya’y magsasampa ng reklamo matapos makuha ang lahat ng kinakailangang dokumento.

Ito ang pagkakasabi ng abogado sa Philippine Star, “Actually nung nag-uusap kami, they may be able to garner more than 90 signature votes, tapos endorsement pa lang,” dagdag pa niya na siya ay pinapaderetso na at ipinacecertify na ito ng mga mambabatas para sa impeachment hearing.
Ayon kay Gadon, naniniwala rin ang maraming mga solons na may basehan para iimpeach si Sereno para sa kanyang sinabi ay isang aksaya lamang sa paggamit ng budget ng Korte Suprema.

Sinabi niya ring  “Marami ang naniniwala sa aking grounds ng complaint at nakita nila at napag-alaman na si Sereno ay masyadong abuso.”



Idinagdag pa ni Gadon na bukod sa pagbili ng isang P8-milyong bulletproof na sasakyan, si Sereno ay bumili din ng tatlong malalaking motorsiklo at umarkila ng 30 security personnel.

 “Hindi niya pera ‘yun, pera ‘yun ng Judicial Development Fund,” ayon kay Atty. Gadon. “Bukod sa sasakyan, nagpabili pa siya ng tatlong motorsiklo na malalaki na aabot ng P800,000 ang isa para escort niya. Mayroon siyang 30 security na ginagamit ang pondo ng Supreme Court at labis-labis ‘yun.”

Sinabi rin ng abogado na pormal niyang isasampa ang reklamo matapos makuha ang lahat ng mga kinakailangang magpaparatang  na dokumento laban kay Sereno.

Source: Kicker Daily


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: