Aug 9, 2017

Negosyanteng dawit sa shabu, nagdonate ng milyun-milyong pera sa kampanya ni Hontiveros

Negosyanteng dawit sa shabu, nagdonate ng milyun-milyong pera sa kampanya ni Hontiveros
"Taong 2013, nag-donate si Dong ng P3 milyon sa kampanya ni Risa Hontiveros sa pagka-senador.
Nag-donate naman ng P5 milyon si Dong nang muling tumakbo si Hontiveros noong 2016."

Ito ang rebelasyon ni Mark Taguba tungkol sa kinakasangkutang isyu ng shabu ang Bureau of Customs.



Ayon kay Taguba, si Kenneth Dong ay isang "middleman" ni Richard Tan, ang Tsinong negosyanteng umano'y nakapaglusot sa Customs ng kargamentong may droga mula Tsina.

Mahigit 600 kilo ng shabu noong Mayo ang natagpuan ng mga awtoridad sa warehouse ni Tan.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, hindi pa malinaw kung ano ang eksaktong papel ni Dong sa transaksiyon. Pero inaasahang maraming tanong ang masasagot sa pagharap ni Dong sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa Miyerkoles, Agosto 9.

Sa edad na 33, maituturing na malayo na ang narating ni Dong.

Mula sa pagbebenta ng industrial weighing scales, pinasok din niya ang construction, at may-ari na rin ito ng isang luxury club sa Cebu.

Bukod kay Hontiveros, nagbigay rin si Dong ng P3 milyon sa kampanya noong 2016 ni dating TESDA Director General Joel Villanueva.

Sina Hontiveros at Villanueva ay parehong nakaupong senador ngayon.

Noong taong 2013 din ay ikinasal si Dong at naging ninong niya sa kasal sina Hontiveros, Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, Juan Miguel "Migz" Zubiri, Ralph Recto, at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel. Maging si General Danny Lim na minsa'y naupo bilang Deputy Customs Commissioner, ninong din ni Dong.



Posibleng makaharap ni Dong sa mga susunod na pagdinig sa Senado ang kaniyang mga ninong, ninang, at tinulungan sa kampanya.

Sina Hontiveros at Zubiri ay mga miyembro ng blue ribbon committee habang ex-officio member si Recto.

Hindi naman miyembro si Villanueva pero dumadalo siya sa mga pagdinig.

Hindi naman sinang-ayunan nina Hontiveros, Zubiri, Villanueva, Pangilinan, Recto, Pimentel, at Lim, sinabi nilang hindi sila malapit kay Dong.

Inabisuhan din nila si Dong na magsabi ng katotohanan sa pagdinig.

Ayon kay Hontiveros, pinayuhan niyang humarap sa pagdinig si Dong nang mag-text ang inaanak sa kaniya.

Nanawagan din si Villanueva kay Dong na harapin ang mga alegasyon para malinis ang kaniyang pangalan at walang madamay na mga inosenteng opisyal ng gobyerno.

Dagdag din nina Pimentel at Lim, posibleng nabiktima rin lang si Dong.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, nangako si Dong na lilinisin ang pangalan. Wala raw siyang kinalaman sa droga dahil may takot siya sa Pangulo at lalo na sa Diyos.

Source: ABS-CBN News


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: