Aug 21, 2017

Pagbisita ni Robredo sa burol ni Kian, umani ng mga batikos mula sa mga galit na netizens

Pagbisita ni Robredo sa burol ni Kian umani ng mga batikos mula sa galit na galit na mga netizens
Binisita ni Leni Robredo ang mga labi ng nasawing si Kian delos Santos

Isang Facebook page ang nagpost ng mga larawan na nagpapakita ng pagbisita ni Vice President Leni Robredo, ang page na ito ay ang CNN Philippines.

Binisita ni Vice President Leni Robredo noong Linggo ang burol ng 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos na pinatay sa anti-illegal drug operation sa Caloocan City noong Agosto 16, 2017.



Sa kanyang pagbisita, kinausap ng Vice President ang ama ni Kian, si Zaldy, at bumisita sa lugar kung saan pinatay si Kian ng mga operatiba ng pulisya-kabilang na ang lugar na nahuli sa CCTV kung saan nakita ang binatilyo na hinila ng mga pulis.

Ipinahayag ng Vice President ang kanyang pakikiramay kay Saldy at Lorenza, mga magulang ni Kian.

Nag-alok din si Robredo ng tulong sa pamilya ni Kian, kabilang na ang libreng tulong mula sa batas, sa pakikipag-ugnayan sa Free Legal Assistance Group (FLAG).

At dahil sa mga larawang pinakita ng Facebook page na CNN Philippines, umani ito ng halos 3.4k na comments, 1503 na shares at 12k na reactions.

Ito ang ilan lamang sa mga komentong inani sa pagbisita ni VP sa burol;

Komento ng isang ginang, “I just find these politicians very one sided! Have they even once visited the families of victims who have been RAPED AND MURDERED BY DRUG ADDICTS? if they're going to show sympathy to the family of the innocent Kian, they SHOULD ALSO do the same sa mga walang kalaban laban na biktima ng rape and murder! very upsetting!”



Opinyon ng isang netizen, “Lalabas tong mga pulitiko kung kasiraan ng administration. hindi lalabas sa lungga kung my pinatay o na rape na 1 year old. Killings. are present before duterte took office, wag bulag, bingi sa totoong nangyayari noon. Nakaka suya na ang mga pulitikong walang ginawa kundi pansariling interest. Ngek ngek nyo!!!!”

Dagdag pa ng isang ginang, “huwag na sanang magpadala ang taong bayan sa mga LP kung hindi malulugmok ulit tayo sa kahirapan krimen at droga, sa mga namatayan ng pusher at addict minsan kailangan nating tanggapin ang pagkawala nila kaysa naman makaperhuwisyo pa ng mga inosente dahil habang palulong ng palulong sa shabu mga yan lalong nagiging animal ang pag iisip nila”

Pero may ilan ding opinyon na positibo sa ginawa ni Leni. Komento ng isang netizen, “VP Robredo is a mother, she knows exactly the feeling of an OFW mom, who is working so hard to raise her children. VP has emphaty and sympathy. It's common feelings to a responsible, caring and loving mother. Salute to all people who feels the feeling of this OFW mother who lost her child because of demonic & unjust implementations of WAR ON DRUGS authored by DUTERTE and his gang.”

Anong masasabi ninyo dito mga kababayan? Ibahagi ang inyong mga saloobin sa comment box below. Maraming salamat po.

Source: CNN Philippines


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: