Sep 8, 2017

Asawa at mga anak ni Jed Mabilog, Umalis ng Pilipinas sa Pag-aalala ng Seguridad

Asawa at mga anak ni Jed Mabilog, Umalis ng Pilipinas sa Pag-aalala ng Seguridad
Iloilo Mayor Jed Mabilog and his wife, photo from festiveiloilo
Sa gitna ng mga problema sa seguridad, ang asawa at anak ng Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ay umalis sa bansa, ito ay ayon sa ulat ng isang nakakaalam ng kanilang pagluwas sa bansa.

Ayon sa pinagmulan ng balita, na hiniling na huwag makilala para sa mga kadahilanang kaligtasan, sina Marivic Mabilog, ang anak na babae at lalaki ay umalis sa bansa ilang sandali lamang ng umalis ang alkalde papuntang Japan noong nakaraang linggo.



“There have been reports of tangible threats against the mayor so they decided to leave as well as a precautionary measure,” sinabi ng source sa INQUIRER.

Magugunitang sinabi ng Pangulo sa isang talumpati noong Sabado na nasa Japan na ang alkalde kung saan umano namumuhay ito nang marangya.

Sinabi ng abugado ng alkalde na si Mark Piad sa INQUIRER na si Mabilog ay umalis sa isang opisyal na biyahe para sa Yokohama City sa Japan noong Agosto 30 upang dumalo sa isang internasyonal na kumperensya ng CityNet, isang rehiyonal na network ng mga lungsod at mga organisasyon na nakatuon sa sustainable urban development.

Ang alkalde ay inaasahang babalik sa Miyerkules o Huwebes.



Tinanggihan ni Piad ang isang paratang ni Pangulong Duterte na si Mabilog ay "tumakas sa Japan kung saan siya ay namumuhay nang marangyang buhay."

Magugunitang inuutos ni Pangulong Duterte ang ‘lifestyle check’ kay Mabilog kasunod ng mga alegasyong sangkot ito sa kalakaran ng ilegal na droga sa bansa.

Itinanggi naman ng kampo ng alkalde ang mga paratang ni Pangulong Duterte na siya ay pumunta sa Japan kung saan siya ay namumuhay nang marangyang buhay.

Idinagdag rin ng alkalde na siya ay magbibigay ng malaking pabuya para lamang mahuli ang mga drug lord sa lungsod ng Iloilo.

Source: Definitely Filipino


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: