Sep 6, 2017

Isang Pamilya Hinukay ang Bangkay ng Batang Babae Para sa Paniniwala na Siya ay Buhay pa

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Ang labi ng isang apat na taong gulang na batang babae na namatay sa sakit sa Lungsod ng Ilagan, Isabela ay hinukay upang muling mailibing ng kanyang mga magulang.

Sa isang ulat mula sa RMN News Cauayan, sinabi ng mga magulang ni Jenny Rose Jacinto na ang kanilang anak na babae ay nilagnat noong Lunes, Agosto 28. Pagkatapos ay dinala si Jenny Rose sa Isabela Provincial Hospital noong Martes ngunit siya ay namatay sa kalaunan. Inilibing siya ng kanyang mga magulang noong Biyernes, Setyembre 1.



Gayunpaman, hinukay ng mga magulang ang kanilang anak na babae pagkatapos silang sabihan ng kanilang kamag anak na si Jemma Jacinto De Villa, sa pamamagitan ng isang manggagamot  o "albularyo", sinabi sa kanila na buhay pa si Jenny Rose. Sa kanilang sorpresa, nalaman nila na ang bangkay ni Jenny Rose ay nanatiling malambot at hindi pa naaagnas.

Habang ito ay nilalamayan ng pangalawang beses, Nakakuha naman ng larawan ang RMN News Team sa namuong mga dugo sa dulo ng daliri at paa ng bata

Ang mga magulang ay naniniwala na ito ay isang himala at umaasa sila na mabawi ang kanilang anak na patay na, ayon sa ulat.

Ang batang babae ay nagawang pang dumumi at umihi habang binabantayan ng kanyang mga magulang.

Sa huli, sa pangalawang pagkakataon ay inihatid sa huling hantungan ang bata sa sementeryo ng Canapi, San Isidro, Ilagan City bandang alas sais ng Setyembre 2, 2017.



Tingnan ang mga larawan:

Photo from Cagayan Now

Photo from Cagayan Now
Photo from RMN News

Source/s: RMN News, Cagayan Now





Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: