Sep 8, 2017

Karumal dumal ang Ginawang Pagpatay ng Isang Nakadrogang Bading sa isang Binatilyo

Karumal dumal ang Ginawang Pagpatay ng Isang Nakadrogang Bading sa isang Binatilyo
Photo from Definitely Filipino
Isang bading ang umaming lulong sa droga at ito ang sinabi niyang dahilan kung bakit niya napatay ng karumal dumal ang isang 14 na taong gulang na binatilyo sa Iloilo.

Ang nasabing suspek ay si Raden Gonzales alyas “Smile”, residente ng Barangay Esperanza, Ponteverde, Capiz, 40 taong gulang.



Siya ang inarestong suspek na kumitil sa buhay ng isang menor de edad na binatilyo na pinasakan niya umano ng kahoy sa maselang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, sinabi umano ni Gonzales na siya ay napikon sa panunukso ng binatilyo kaya inalok niya ang binatilyo ng P200 para sumama sa kanya.

Umamin naman si Gonzales na siya ay lulong sa ilegal na droga nang mangyari ang pag-abuso at pagmolestiya sa hindi pinangalanang biktima.

Matapos ang nangyari sa kanila ay nagdilim umano ang kanyang paningin at nilublob nito ang ulo ng biktima hanggang mawalan ng malay.

Hindi pa umano nakuntento ang suspek at pinasok pa nito ang kahoy sa pwet ng biktima.

Matapos bumalik sa kanyang katinuan ay kaagad na tumakas si alyas Smile.



Sa kabilang dako naman, lumabas sa autopsy result na buhay pa umano ang binatilyo nang ipinasok sa kanyang pwet ang kahoy na may laki na dalawang pulgada at haba na 2.5 hanggang 3 inches.

Umabot pa sa large intestine ang kahoy na ipinasok sa puwit ng biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Naiulat din na marami nang kaso ng pangmomolestiya at pagnanakaw si Gonzales at nakulong na rin ito ng pitong taon dahil ditto.

Isang biktima rin ni Gonzales, mahigit 15 taon na ang lumipas, ang lumutang at sinabing hinalay din siya uamno ni Gonzales at tinangkang patayin sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang sinturon, ngunit nakaligtas din umano ang biktima matapos itong magpatay-patayan.

Napakaraming netizens sa social media ang nagbigay ng kanilang komento at galit sa nasabing krimen.

Source: Definitely Filipino


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: