Sep 10, 2017

Pangulong Duterte: Ang katibayan ni Trillanes vs Vice Mayor Paolo ay “Basura”

Pangulong Duterte: Ang katibayan ni Trillanes vs Vice Mayor Paolo ay “Basura”
President Duterte and Sen. Trillanes, photo from CNN Philippines

Si Pangulong Rodrigo Duterte, na nagsalita sa mga sundalo sa kanyang sariling lungsod, ay nagsabi noong Biyernes, Setyembre 1, na ang mga sinasabi ni Senador Antonio Trillanes IV laban kay Paolo Duterte ay puro "basura" lamang at walang angkop na katibayan sa mga paratang na katiwalian.

“Don’t mind Trillanes because all he’s feeding us are trash,” sinabi niya sa kanyang pagsasalita sa Eastern Mindanao Command ng militar (Eastmincom).



“Even until now they’d still look for garbage and then target my son. He’s been targeting Pulong since the elections. I said, ‘just give me the person who gave to Pulong.’ Period. And I will step down as a President.”, dagdag pa ni Pangulonfg Duterte.

Inakusahan ni Trillanes ang anak ng Pangulo na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at  ang manugang ng Pangulo na si Manases "Mans" Carpio na may kasamang pang-aabuso sa smuggling sa Bureau of Customs (BOC).

Sinabi ng senador na silay ay parehong may mga transaksyon sa isang "fixer" ng BOC, na may ilang mga text message bilang kanyang patunay. Sinabi rin niya na si Carpio, na asawa ng anak na babae ng Pangulo, ay bumisita nang ilang beses sa opisina ng dating Commissioner ng BOC na si Nicanor Faeldon.



Sinagot ni Carpio ang naturang paratang, sinabi niya na may negosyo siya sa BOC dahil sa kanyang trabaho bilang isang abogado.

Inakusahan din ni Trillanes si Paolo na siya ay miyembro ng isang Chinese triad na kasali sa maraming krimen, kabilang ang smuggling.

Ayon pa kay Trillanes, sinabi niya na ang katibayan ng pagiging miyembro ni Paolo sa triad ay ang kanyang tattoo sa likod.

Hinamon ni Trillanes si Vice Mayor upang ipakita ang kanyang tattoo sa likod ngunit tumanggi si Vice Mayor Paolo, sa kadhilanang may karapatan sa pagiging pribado.

Source: Politiko


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: