Sep 9, 2017

Reporter sa napatay na pulis sa Caloocan: Pasensya ka na dahil walang CHR, senador at media na dadalaw sayo

Reporter sa napatay na pulis sa Caloocan: Pasensya ka na dahil walang CHR, senador at media na dadalaw sayo
Photo from CCPS react and Val Gonzales

Patay ang isang Pulis Caloocan na si PO3 Junior Hilario nito lamang ika-8 ng Setyembre, matapos manlaban ang inaarestong gun runner at killer ng maraming mga drug pusher.

Nabaril sa ulo ang 36 na taong gulang na pulis sa isang operasyon sa Sampaguita, Camarin, Caloocan City.



Isang Facebook post naman ang nagviral dahil sa simpatyang kanyang ipinakita sa napatay na pulis.
Ito ay ipinost ni Val Gonzales, isang radio reporter ng DZRH, ikwenento nya na ang pulis na namatay ay laging handang magbigay ng impormasyon sa media tuwing may operasyon ang mga kapulisan.

“PULIS-CALOOCAN NABARIL SA ULO PATAY MATAPOS MANLABAN ANG INAARESTONG 'GUN RUNNER' AT 'KILLER' NG MARAMING MGA DRUG PUSHER NA BIGONG MAG-REMIT NG PINAGBENTAHAN NG SHABU SA CALOOCAN CITY. 
SI PO3 JUNIOR HILARIO AY KASAMA NG CALOOCAN POLICE SA MAIGTING NA KAMPANYA LABAN SA TALAMAK AT MALUPIT NA DROGA SA CALOOCAN CITY. 
SIYA AY LAGING HANDANG MAGBIGAY NG IMPORMASYON SA MEDIA SA TUWING MAY OPERASYON. ISANG AMA, ASAWA AT NAGMAMAHAL SA INANG BAYAN NA UNTI-UNTING PINAPATAY NG MGA PUSHER AT DRUG USER. 
SIR, NAMATAY KA SA GITNA NG SINUMPAAN MONG TUNGKULIN SA KAGUSTUHANG TULDUKAN ANG KASAMAAN NG KILLER NA PUMAPATAY NG MGA SANGKOT SA ILEGAL DROGA. NAPATAY MO/NYO ANG DALAWANG SUSPEK NA RESPONSABLE SA PAGPATAY NG MGA DRUG SUSPECT NA IKINAKALAT SA METRO MANILA AT SA HULI AY IBINIBINTANG SA PINAGLINGKURAN MONG PAMBANSANG PULISYA.”

Hindi napigilan ni Gonzales ang sama ng loob nya sa mga senador, local at foreign media, sa mga mapagpanggap na human rights advocate, sa Bise Presidente, sa CHR at sa iba pang mga mamamayan.



Narito ang bahagi ng kanyang ipinost:

“PASENSYA KA NA SIR DAHIL WALANG SENADOR NA MAG-EEMOTE PARA SAYO. 
SORI NA LANG SARGE DAHIL WALANG CHR NA MAG-AAKSAYA NG ISANG SEGUNDO PARA SAYO DAHIL TRABAHO MO NAMAN KASI ANG MAGPATUPAD NG BATAS. 
PASENSYA KA NA DAHIL WALANG SENADOR NA KUNWARI AY IIYAK HINDI PARA SA KAAWA-AWA MONG DUGUAN NA KATAWAN PERO ANG TOTOONG LAYUNIN LANG AY ANG SIRAIN ANG MAGANDANG KAMPANYA NG GUBYERNO LABAN SA ILEGAL NA DROGA. 
PASENSYA KA NA KUYANG DAHIL WALANG NAGPAPANGGAP NA HUMAN RIGHTS ADVOCATE DAW NA MANGGAGALIT NG DAMDAMIN NG TAO PARA SAYO.
PASENSYA NA KASI WALANG CHR NA MANINIRA SA MUKHA NG PILIPINAS SA IBANG BANSA GAMIT ANG DUGUAN MONG KATAWAN DAHIL PULIS KA NAMAN EH. 
PASENSYA KA NA KUYANG DAHIL WALANG VICE PRESIDENT NG PINAGLINGKURAN MONG PILIPINAS ANG DADALAW SA IYONG BUROL NA MAY KASAMANG MEDIA PERO KUNWARI AY PALIHIM NA NAGPUNTA. 
PASENYA KA NA KUYANG DAHIL WALANG EMOSYON ANG MAMAMAYAN PARA SAYO DAHIL HINDI NAMAN TUTUTUKAN NG NAKAKARAMING MEDIA ANG BUROL MO. 
SORI KUYANG DAHIL WALANG FOREIGN MEDIA NA 'TINAWAGAN' PARA I-COVER ANG PAGKAMATAY MO. 
PASENSYA KA NA DAHIL NAGING PULIS KA SA PILIPINAS NA NAPIPINTO NANG 'MASIRA' KAPAG HINDI SA PANAHONG ITO NATAPOS ANG MABILIS NA PAGKALAT NG SALOT NA ILEGAL NA DROGA.”

Ibinahagi rin ni Gonzales ang taos pusong saludo sa namatay na pulis na si Hilario.

“PASENSYA KA NA DAHIL ANG KAYA KO LANG GAWIN AY ANG TAUS-PUSONG SALUDO...... PARA SAYO. 
PAALAM, PO3 JUNIOR HILARIO Bangis Hilario
DOB - January 26, 1981
DIED - September 8, 2017
Date entered PNP service - March 27, 2006
Kid - 1 son 6yrs old
House - Vista Homes Caloocan City
Province- Cordon, Isabela

Umani ng mahigit 15, 306 na shares at 12, 000 na reactions ang Facebook post ni Val Gonzales.



Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: