Sep 5, 2017

TRUE STORY: Kasama Ko, Congressman ko —Ang kwento ng Inasal ni Alfredo Musngi Morada

Kasama Ko, Congressman ko —Ang kwento ng Inasal ni Alfredo Musngi Morada.
Photo from Facebook
Sa panahon ngayon, napakarami nang umaabuso sa kanilang katungkulan.

Tulad na lang sa mga larawan at mga videos na pinost sa Facebook page na Sa Bayan Ni Juan, na nilagyan ng title na “Kasama ko, Congressman ko”.

Ito ay tungkol sa isang bastos na nagngangalang Alfredo Musngi Morada na may kasamang Congressman na lulan ng sasakyan na nang agaw ng linya ng bus at siya pa ang nagalit. Halos pinagmumura niya pa ang driver ng bus ayon sa mga nakakita sa pangyayari.

Idinamay rin ni Alfred ang kanyang pagmumura sa mga pasahero. Halos lahat ng pasahero ng bus ay nagalit sa inasal ni Morada at ito ay humantong sa mahabang pagtatalo. At dito naisipan ng isang pasahero na ivideo ang mga pangyayari.



Narito ang buong salaysay na ipinost sa Facebook page na Sa Bayan ni Juan:

"Kasama ko, congressman ko"
By: Alfredo Musngi Morada

Binabaybay namin ang Sucat Bicutan skyway. Biglang nag overtake ang plate number 8 na sasakyan na to at kinat ang linya ng bus na sinasakyan namin. Kaya binusinahan sya ng driver ng bus. Maya maya pa ay marahan na itong nagpapatakbo na halos ayaw na kaming padaanin. Kaya binubusinahan sya ng bus na sinasakyan namin at para bang hinaharangan ang daanan at ayaw kaming makaraan. 

Maya't maya pa ay inilabas nya ang kanyang kaliwang kamay at nagpapahiwatig ng fuck you at huminto kame. Ng lumaon ay hininto nya ang kanyang sasakyan at lumabas ng sasakyan nya at pumunta sa gilid ng bus at pinagmumura ang bus driver na si kuya roel. Nagtanung ang mga pasahero bakit nya minumura ang driver at ano ba ang ginawa nito samantalang sya naman ang nangharang ng sasakyan nya sa bus na sinasakyan namin. Nagwika ito ng "Mga putang ina nyo hindi kayo ang kinakausap ko kundi itong siraulong driver na to" kaya nagalit ang mga pasahero kay Alfredo Musngi Morada at nagkaroon na ng mahabang pagtatalo. Dito ko naisipang ivideo at ito nga ang mga sumunod na pangyayare.

Panoorin ang Video part 1




Dito nagkasundo ang lahat ng pasahero na magreklamo sa pulis sa inasal ni Alfredo Musngi Morada.Isinama ng skyway patrol si Alfredo at minaniho ng congressman ang kanyang sasakyan pauwe.



Kame ay sumunod sa service ng skyway patrol sa Highway patrol group office Bicutan Paranaque para magreklamo. Pagdating duon ay itinuro at sinamahan kame papuntang police station sa BF.

Panoorin ang video part 2




Ayun kay PO1 Torres ay maaare kaming magsampa ng kaso sa police station sa San Dionisio at pinasamahan parin kame sa highway patrol.

Pumunta kame ng San Dionisio Police Station at pagdating namin sa 3rd floor ay nakasara ang pinto at natutulog ang dapat na tumulong sa amin na mga police. Kinailangan pa naming buksan ang bintana at katukin ng malakas upang magising ang mga police. Pero sa kasamaang palad silay mahimbing na natutulog. Maya't maya pa ay nagising ang kanilang katiwala at ginising ang police officer at pumasok na kame sa loob.

Humingi kame ng tulong upang makapagsampa ng reklamo kay Alfredo Musngi Morada sa pagdadrive ng lasing, pang mumura at pananakit sa 2 pasahero ng bus na si kuya mak nakaputing jacket at kuya jojo nakablue na damit. Ngunit sa kasamaang palad ay kame ay nabigo at umuwe ng hindi man lang nakamtam ang hustisya sa ginawa ni Alfredo Musngi Morada.

Ganito na ba kabulag ang hustisya para kay juan. Dahil ba sya ay hawak ng congressman at kahit napakarameng nagrereklamo at nagpapatunay ay wala parin saysay.

Nasan ang pantay na hustisya para sa lahat.

*******

Umani rin ng napakaraming komento at shares ang pangyayaring ito.

Ganito na lamang ba ang dapat mangyari sa bansang ito?

Nasaan ang hustisya?

O baka natutulog din ang hustisya tulad ng mga pulis na nagpapakasarap sa pagtulog sa nasabing pangyayari?

Kayo na ang humusga.

Source: Sa Bayan ni Juan


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: