Oct 2, 2017

Ben Tulfo Naglabas ng Saloobin Para kay Sen. Kiko Pangilinan - 'Wag ka nang maghugas kamay. Sinserong humingi ka ng paumnahin!

Ben Tulfo and Sen. Pangilinan, photo from BitagMedia.com/Philstar.com
Viral ngayon sa social media ang video ni Ben Tulfo, isang batikang Tv at radio personality, na kung saan naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa issue ni Sen. Kiko Pangilinan na nag-file ng Senate Resolution 516 na humihimok sa gobyerno na itigil ang mga “walang kabuluhang” pamamaslang, “lalo na ng mga kabataan.”

Kamakailan lamang sa social media, maraming bumatikos sa pitong Senador dahil sa hindi pagsang-ayon dito, ngunit ang totoo ay hindi man lang nakarating sa kanilang mga opisina ang resolusyong nabanggit para man lang pag aralan ito. Kinabibilangan nina Sen. Vicente Sotto III, Koko Pimentel III, Richard Gordon, Manny Pacquiao, Cynthia Villar, Gregorio Honasan at Migule Zubiri ang mga nasabing Senador na binatikos sa mga social media sites, partikyular na ang Facebook.




Ayon kay Sen. Pangilinan, humingi na siya ng paumanhin sa pitong Senador at hindi daw niya sinasadyang ibuklod ang pito.

Sa pahayag ng Senador, hindi pa rin napigilang mag-komento si Tulfo.

Ayon kay Tulfo, naghuhugas kamay umano si Pangilinan at ibinabaling ang sisi sa mga “dilawang blog” na ayaw ni Tulfo banggitin ang pangalan kasi baka sumikat pa umano ito.

“I challenge you, bumawi ka. Sige nga tirahin mo ang pendehong blog na ‘yun, kaya mo? Better go the extra mile Sen. Pangilinan, ‘wag kang puro kiyaw-kiyaw na para kang si Poncio Pilato – hugas kamay na pag nagkaipitan.”



Dagdag pa ni Tulfo, na dapat “hambalusin” ni Pangilinan ang mga “dilawang blog” dahil siya ang dahilan nito kaya siniraan sa social media ang pitong Senador na hindi nakapirma sa Senate Resolution ni Pangilinan.

Huling banat ni Tulfo na dapat ay sinserong humingi ng paumanhin si Pangilinan at agad agad na ayusin ang mga sigalot na kanyanh ginawa.

Narito ang buong pahayag ni Tulfo na nakaupload sa Facebook page na BITAG Live:

“SEN. KIKO, LUHOD AT HUMINGI KA NG PAUMANHIN!
(Hambalusin mo ang dilawang blog! Ikaw ang dahilan ng problema.)
Pitong kabaro mo, galit sayo. 'Wag ka nang maghugas kamay. Sinserong humingi ka ng paumnahin! Nagkulang ka, tuwirin mo ito kung ayaw mong umamin sa pagkakamali.
'Wag kang Kiko-Patay-Patay! Listo! Ayusin mo agad ang sigalot na ginawa mo. Tigil na ang ngawa, sige gawin mo na.”

Source: allthingspinoy.com


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: