Oct 4, 2017

Bumaba ng 38% Ang Rate ng Krimen sa Manila sa Nakalipas na 12 na Buwan sa Pamamalakad ni Pangulong Duterte!

Photo from dokalternatibo.org
Ang krimen sa Maynila ay bumaba ng 38 porsiyento ngayong taon. Ito ay iniulat ng Manila Police District (MPD) noong Lunes.

Sinabi ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel na ang mga index crimes sa nakalipas na 12 na buwan ay bumaba ng 38.7 porsiyento mula sa mataas na 5,474 kaso sa 2016 hanggang 3,393 lamang sa kasalukuyang taong pamamalakad ni Pangulong Duterte.



Ang index crimes ay mga krimen laban sa mga tao at ari-arian tulad ng homicide, murder, physical injury, panggagahasa, pagnanakaw at carjacking.

Ang mga street crimes tulad ng armadong pagnanakaw, holdup, at pagdukot ay bumaba rin.

Ang kahusayan sa paglutas ng krimen ng MPD ngayon ay bumuti mula 54.8 porsiyento sa 2016 hanggang 67.5 porsiyento sa taong ito, kung saan anim hanggang pito sa sampung krimen ang nalutas ng pwersa ng pulisya ng lungsod sa pag-aresto sa mga suspect at ang pag-file ng mga kaso laban sa kanila.

Dahil dito, sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na ang MPD ay pinili bilang Best Police District sa taong ito sa Metro Manila ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).



Ito ang mga sinabi ni Manila Mayor Estrada:

“I have always believed in our city police’s competence and dedication to protect our city from crimes and terror threats,
Slowly but surely, we are making significant and considerable gains and improvements in the peace and order situation of our beloved city.”

Source: philnews.xyz



Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: