Oct 9, 2017

Former AMLC Head nakipagsecret meeting sa Ombudsman?

Senator Trillanes and Former AMLC Head Julia Abad, photo compiled from Google
Nang kumalat ang balita na binubuksan ng Ombudsman ang pagsisiyasat sa diumano'y nakatagong kayamanan ni Pangulong Duterte, sinabi ng Overall Deputy Ombudsman na si Arthur Carandang na mayroon na silang mga dokumento ng mga bank transaction ni Duterte at nakuha nila ito mula sa AMLC.

Ilang araw pagkatapos nito, tinanggihan ng AMLC na hindi nila ibinigay ang mga dokumento sa Ombudsman.



Kasunod ng mga ito, kumalat ang balita na kung paano nakuha ni Senator Antonio Trillanes ang mga dokumento ng AMLC kung hindi nila ito ibinigay sa kanya.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, si Senador Antonio Trillanes IV umano ay may mistress sa Anti-Money Laundering Council.

Kamakailan lamang, ang mga larawan ng isang dating pinuno ng AMLC na sinasabing ang mistress ni Trillanes ay nagsimulang kumalat sa internet.

Sa nasabing mga larawan, nakita na magkasama si Julia Abad at Ombudsman Conchita Carpio Morales sa isang larawan at Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang sa isa pa ring larawan.

Sa kabilang dako naman, inulat ni Duterte noong Miyerkules na si Julia Abad ang dahilan kung bakit nakuha ni Trillanes ang opisyal na mga dokumento ng AMLC.

“Ang lumabas doon, nagpindot, nagbukas ng account ko binigay kay Trillanes si Abad who is the mistress of Abad, iyang Abad na iyan,” sabi ni Pangulong Duterte.



Dagdag pa ng Pangulo, “Abad, iyong babae na nasa AMLC. She is the mistress of Trillanes. I don’t know what’s her name, basta siya iyan. Maganda ba siya?”

Gayunpaman, maigting ang pagtanggi ni Trillanes sa mga sinabi ni Duterte.

“I categorically denied itong huling imbentong storya ni Duterte.
Nakakalungkot lang na meron pang nadadamay na ibang tao. In this case, si Attorney Julia Bacay-Abad na kilala bilang isang disente at pamilyadong tao na naging propesyunal sa kanyang paglilingkod bilang Executive Director ng AMLC,”

Idinagdag pa niya na dapat ituon at tumutok ang president sa tunay na isyu.

“Mr. Duterte, huwag mong daanin sa kabastusan ang pag iwas mo sa  tunay na isyu ng bilyun-bilyong pera mo sa bangko.”

Ano kaya sa palagay mo? May katotohanan bang mistress ni Trillanes ang dating AMLC official at nakipag-ugnayan sa Ombudsman upang i-down ang Pangulo Duterte sa alegasyung tagong yaman?

Source: pinoythinking.info



Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: