Oct 11, 2017

Isang Katiwalang kakasimula palang sa trabaho, tinangay ang P100, 000 halaga

Photo from ABS-CBN News
Halos wala pa sa pitong oras ang isang kasambahay sa kanyang bagong trabaho, ninakawan na agad nito ang kanyang amo.

Ayon sa kuwento ng biktimang si “Samantha”, isang single mom, alas-10 ng gabi ng Oktubre 8 nang magsimulang mamasukan ang kasambahay na suspek na si Margie Teodoro sa condo ng biktima sa Eastwood City.



Ngunit nagtaka na lang bigla ang biktima nang wala na sa condo nila ang kasambahay.

Sa CCTV footage mula sa elevator ng condo, nakita si Teodoro na nagmamadaling paalis at may dalang backpack at shoulder bag, alas-4 ng hapon noong Oktubre 9, wala pang pitong oras sa kanyang bagong trabaho mula sa kanyang amo.

Dumiretso si Teodoro sa isang fast food chain sa Pasay. Nakuhaan din ito ng CCTV ng fast food chain nang ang suspek ay umorder at dumiretso sa 2nd floor.

Ayon sa nakuhang CCTV footage sa fast food chain, isa isang nilabas ng suspek mula sa bag ang mga nakuha nitong mga card, ID at mahahalagang dokumento.

Binilang din niya ang mga perang ninakaw at lumabas din agad sa restaurant.

Nasa humigit kumulang P100, 000 halaga ang tinangay ng kasambahay, kasama na dito ang isang signature na relo, tatlong cellphone at bag.

Sa kadahilanang iniwan ng suspek ang mga ID, Card at mga dukomento, nacontact ng mga tauhan ng fast food chain si Samantha at naibalik ang mga gamit.



Sa pagmamadaling umalis ng kasambahay sa fast food chain, naiwan nito ang kaniyang shoulder bag at cellphone.

Nacontact naman ni Samantha ang anak ni Margie Teodoro, ayon dito, taga-Barangay San Lorenzo sa DasmariƱas, Cavite sila.

Nakipagtulungan ang anak ng suspek kay Samantha, ngunit ng kalaunan, bigla na siyang tumanggi sa lahat ng mga ibinigay na impormasyon kay Samantha.

Napakasaklap ang nangyari sa biktimang si Samantha, lalong lalo na sa pagkuha niya ng katiwala sa agency na “lifemaideasy.ph”

Nasa P16, 000 ang binayad nito bilang agency fee para lang makakuha ng kasambahay.

Ayon sa Agency na “lifemaideasy”, hindi pa raw kompleto ang requirements ni Teodoro dahil sa October 12 pa raw nakatakdang i-release ang NBI clearance ng suspek at alam daw ito ni Samantha.

At dahil dito lalong sumama ang loob ni Samantha sa agency na kanyang hinanapan ng katiwala. Gusto pa rin ni Samantha na papanagutin ang ahensiya.

Ikinalulungkot rin ng agency ang sinapit ni Samantha at nangakong tutulong sila sa paghahanap ng kapalit na kasambahay.

Magbibigay rin daw tulong na pinansyal ang agency para sa pagsasampa ng kasong "qualified theft", pagpopost sa publiko ng larawan ni Teodoro para mabilis siyang mahuli, at full refund ng ibinayad na agency fee.
Photo from ABS-CBN News


Nakahanda na rin ang isasampang reklamo ni Samantha sa katulong na may mga nabiktima rin umano sa Antipolo at Cavite.

Source: ABS-CBN


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: