Oct 9, 2017

Isang Lalaking drug-user, pinugutan ng ulo ang kanyang Partner

Photo from The Freeman
Isang drug-user na nagtapos kamakailan sa isang programa ng rehabilitasyon ay pinugutan ang kanyang live-in partner sa isang hot pursuit operation sa bayan ng Consolacion, sa Northern Cebu noong Linggo ng umaga.

Ang suspek, isang diumano'y drug user, ay kinilala bilang Dominic Pahugot, 27. Ang kanyang live-in partner ay kinilala bilang Lovely Jane Quiño, 25.



Ayon kay Police Supt. Mina Domingo ng Consolacion Police, narinig ng mga kapitbahay ang mag-asawa na may pinag aawayan bago mag alas-6 ng umaga.

Nang maglaon, nakita ng mga kapitbahay na si Pahugot ay hawak ang putol na ulo ni Quiño at itatapon ito sa kanilang likod-bahay.

“Nang dumating ang ating team ay nakita nila ang isang babae na wala nang ulo. Napugutan na siya ng ulo. Noong hinahanap iyung ulo ay nakita sa likod ng bahay,” pahayag ni Police Supt. Domingo.

Natagpuan ng pulisya ang ulo ni Quiño sa layong siyam na metro mula sa kanyang katawan. Ang katawan ng babae ay natagpuan din na may malubhang pinsala.

Ang mag-asawa ay may dalawang anak, isang taong gulang at tatlong taong gulang, ayon sa ulat ng mga pulis, ang tatlong-taong-gulang na anak na babae ang nagsabi sa pulis kung ano ang ginawa ng kanyang ama sa kanyang ina.

Agad na hinabol ng mga pulis si Pahugot at natagpuan siya malapit sa baybayin mga 200 metro ang layo mula sa kanyang bahay. Si Pahugot ay hawak pa rin ang mga bolo na ginamit niya upang patayin ang kanyang asawa.

Sinasabing sinalakay niya ang mga pulis nang makita niya ang mga ito, anupa’t wala nang magawa ang mga pulis ngunit ang paputukan siya.



“Nang makita si Dominic ay may hawak pa siyang itak, dalawang bolo. Mahahaba. At talaga ding pampatay talaga. Nang makita niya iyung kapulisan he tried to attack them, ang nangyari last recourse is iyun na nga (shoot the suspect)… may habulan na nangyari,” sabi ni Domingo.

Si Pahugot ay nagtamo ng maraming sugat at hindi na umabot ng buhay sa ospital. Hawak na sa kustodiya ng Consolacion Police ang dalawang bolo na ginamit sa krimen.

Ayon kay Domingo, tinitingnan nila ang posibilidad na naapektuhan ng pagkagumon sa droga ang kaisipan ni Pahugot tulad ng ginawa nito sa kanyang kapatid.

“Isa sa tinitingnan natin ngayon ay nasiraan na siya ng bait. Isa siyang drug dependent. Iyong kapatid na rin niya ngayon ay nawalan na rin sa sarili ngayon,”

Si Pahugot ay nagkaroon ng rehabilitasyon at may rekord sa istasyon ng pulisya, maraming mga pagkakasala, at kamakailan lamang noong ikalawang linggo ng Setyembre ang pinakahuli.

Sinabi ni Domingo na talagang plano nilang dalhin si Pahugot sa pamamagitan ng "Operation Tokhang".

"Iyun ang tinitingnan natin. May mga previous na siyang information… isa siya sa gumagamit pero hindi pa po siya nag-surrender at iyun nga ang pinag-uusapan namin ng barangay captain na siya na rin sana ang susunod na kakatukin,"

Source: manilatimes.net



Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: