Oct 12, 2017

“Matalino man daw ang matsing, napaglalangan din.” —Beteranong Broadcaster kay Andy Bautista

Jay Sonza and Comelec Chairman Andy Bautista, photo compiled from Google
Inilarawan ng beteranong tagapagbalita na si Jay Sonza ang kinalabasan ng mga kaganapan para sa chairman ng Commission on Election na si Andres "Andy" Cruz para sa araw na ito.

Ganito ang paglalarawan ng beteranong tagapagbalita:



“Matalino man daw ang matsing, napaglalangan din.”

Kaninang umaga lang, nagpost si Bautista sa social media upang kumpirmahin ang kanyang pagbibitiw. Ito ay sa pamamagitan ng pag-upload ng isang larawan ng kanyang sulat sa pagbitiw sa Comelec.

Ngunit ilang oras pagkatapos niyang ipahayag ang kanyang pagbibitiw, ang House of Representative ay bumoto na pabor sa pag-impeach kay Bautista, at nabaliktad ang Justice committee’s resolution na pinawalang-bisa ang dating reklamo laban sa Comelec chairman.

Sa sesyon na naganap nitong umaga, itinalaga ni Deputy Speaker Gwendolyn Garcia na alisin ang resolusyon ng komite at iminumungkahi na ang reklamo ay dapat talakayin sa Senado bilang impeachment court.

Ang kinahantungan nito ay, 137 mga lawmakers ang bumoto upang tanggihan ang parehong resolusyon, 75 ay bumoto upang magpatibay habang 2 ay abstained.

Dahil dito, sinabi ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza, na ang Kongreso ay malinaw na "outsmarted" si Bautista sa pag-iisip na ang kanyang pagbibitiw ay hindi magpapatuloy sa kanyang impeachment case.



“Ang buong akala niya, dahil sa pagpapakalat niya ng balita na bibitiw siya sa puwesto ay hindi na diringgin ng Kongreso iyong kaso. Siyanga naman, bakit pa pagbobotohan gayun nagresign na siya. Eh, kundi siya maiimpeached, dalisay ang kanyang pangalan at maari pa niyang gawing pananggalang ito laban sa kaso niya sa kanyang asawa.”, pahayag ni Sonza sa kanyang Facebook page.

Dagdag pa nito, “Ang problema, mas matalino sa kanya ang mga kinatawan ng taong bayan. Sabi siguro ng mga congressmen, loko ka, palulusutan mo kami ha. Hetong sa iyo! Impeached ka mokong ka,”.

Sinabi rin ni Sonza na kung hindi na babaguhin ni Bautista ang petsa ng pagiging epektibo ng kanyang pagbibitiw, malamang na siya ay ma-impeach sa sandaling talakayin ng Senado ang kanyang kaso.

“Ang mangyayari nito, dadalhin ang asunto sa Senado na siyang didinig sa kaso. Kung hindi niya babaguhin iyong effectivity ng kanyang resignation, malamang at sa hindi ay mahahatulan siya,”

Narito ang kabuang pahayag ni Sonza sa ibaba:

“OUT SMARTED
Matalino man daw ang matsing, napaglalalangan din.
Kaninang umaga naglabas ng liham pagbibitiw si Comelec chairman Andy Bautista, pero ito ay sa katapusan pa ng taon magiging epektibo. Samakatuwid 3 buwan pa siyang tatangan sa poder ng Comelec.
Inunahan ni Andy ang Kongreso dahil alam niyang pagbobotohan iyong impeachment complaint laban sa kanya. Ang buong akala niya, dahil sa pagpapakalat niya ng balita na bibitiw siya sa puwesto ay hindi na diringgin ng Kongreso iyong kaso.
Siyanga naman, bakit pa pagbobotohan gayun nagresign na siya. Eh, kundi siya maiimpeached, dalisay ang kanyang pangalan at maari pa niyang gawing pananggalang ito laban sa kaso niya sa kanyang asawa.
Ang problema, mas matalino sa kanya ang mga kinatawan ng taong bayan. Sabi siguro ng mga congressmen, loko ka, palulusutan mo kami ha. Hetong sa iyo! Impeached ka mokong ka.
Ibig sabihin, iyong mga paratang laban kay Bautista ay may basehan. Na siya ay nangulimbat ng milyon-milyong pera ng bayan. Siya nakigpagsabwatan sa Smartmatic, ang pinaghihinalaang nag magic sa mga halalang nagdaan. at marami pang paratang laban sa hepe ng Comelec.
Ang mangyayari nito, dadalhin ang asunto sa Senado na siyang didinig sa kaso. Kung hindi niya babaguhin iyong effectivity ng kanyang resignation, malamang at sa hindi ay mahahatulan siya.
Pero kahit pa, isa ang malinaw, nadungisan na ang kanyang pangalan. Pandarambong ang nakadikit ngayon sa kanyang pangalan. Kahit pa magresign siya effective bukas, nakakabit na ang katagang "IMPEACHED COMELEC CHAIRMAN ANDRES "ANDY" BAUTISTA.
Masyado mo kasing minaliit Andy iyong mahigit na 100 kinatawan ng mamamayang Pilipino. Ayan tuloy ang napala mo.”

Source: netcitizen.co



Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: