Oct 4, 2017

Naglabas ng Saloobin Si PNP Chief Bato Habang Sinisi niya ang Media para sa Negatibong Ulat sa PNP

Photo from DailyPedia.net
Sa kamakailang proyektong isinagawa ni Bato, isang 30-araw na retraining ng 1,143 kapulisan ng Caloocan, ibinahagi nya ang mga negatibong issue na nag-tutugma sa kanilang trabaho. “Out of proportion”, ganito ang paglalarawan ng Philippine National Police Director-General sa mga media.

Ito rin ang dahilan kung bakit maingat niyang binigyan ng babala ang mga pulis ng Caloocan upang sundin ang patakaran ng batas.



“Observe natin dahil konting pagkamali natin palalakihin ‘yan ng media. Sigurado ‘yan,” pahayag ni Gen. Bato.

Itinampok din ni Bato ang 'under-reporting' ng media sa mga biktima ng pulisya sa panahon ng law enforcement operations.

“Yung kasamahan natin si PO1… nasa ospital pa ngayon, ‘yung nasaksak doon sa Caloocan na-magnify ba ‘yun ng media? Hindi ‘yun na-magnify. Bakit? Hindi magandang balita ‘yun,”

Dagdag pa ni Bato, “Nilulunok ko yung pride ko every time magkakamali tayo… Hindi ako mahiya na umiyak sa harap ng tao kung ako ay nasasaktan,”



Sa kabila ng lahat ng negatibong ulat, patuloy na ipinagmamalaki pa rin ni Bato ang kanyang mga kapulisan.

“Masasabi ko pa rin, sa harapan nitong mga media nandito ngayon, I am still very proud of my men, of what we have done to Caloocan kahit na sabihin ninyo… na yung mga tao ko ay tarantado,”

Sinabi rin niya na ang pagsasanay ng Pulisya ng Caloocan ay dapat gawing, “Maka-Diyos, mas makabansa at mas makatao,” idinagdag pa ni PNP Chief.

Ang nasabing pagsasanay ay gaganapin sa NCR-Police Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Source: news.tv5.com.ph


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: