Oct 8, 2017

Pangulong Duterte, Nangakong Magdadala ng 3rd telco player sa Pilipinas

Photo compiled from Google
Ang Pangulong Rodrigo Duterte ay nakatakdang magdala ng ikatlong competitor sa industriya ng telekomunikasyon na pinangungunahan ng Globe at Smart sa loob ng susunod na limang taon.

Kailangang paghusayan ng Globe at Smart Communications ang kanilang mga serbisyo para sa pagpasok ng isang katunggali sa lalong madaling panahon.



“As the President told us last Tuesday evening, he will make sure such a competitor will enter the market to stop the duopoly from, in his words, further abusing their customers,” Ayon kay Boo Chanco isang Philippine Star columnist.

Inihayag ni Duterte ang kanyang plano sa isang dinner meeting sa MalacaƱang na may mga bisitang piling opinion writer ang pagbuwag ng duopoly sa telco sector.

Sinabi rin ni Duterte sa mga telco companies na pagbutihin ang kanilang mga serbisyo o sisiguraduhin niyang haharapin nila ang isang magaling na competitor.

Dagdag pa ni Duterte sa mga kolumnista na siya ay nabigo sa Kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na si Rodolfo Salalima dahil sa kanyang kabiguan na mapadali ang pagpasok ng isang third player sa industriya ng telco.



Si Salalima ay batch mate ni Pangulong Duterte sa San Beda College of Law at naging Globe’s Chief legal counsel ng mahabang taon.

Kamakailan lamang ay nagbitiw si Salalima pagkatapos na mapailalim sa pressure na may kaugnayan sa pambansang proyekto ng broadband network.

Sinabi ni Duterte na siya mismo ang nagalok sa Kalihim na huminto na sa kanyang panunungkulan sa Globe.

Ito na ba ang pagwawakas ng paghihirap natin sa kabagalan ng mga internet provider natin dito sa Pilipinas?

Subaybayan na lang natin mga kababayan.

Source: bilyonaryo.com.ph



Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: