Oct 4, 2017

Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang Pag-urong sa Barangay at SK Elections

Photo from PhilNews.ph
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang isang batas na ipinagpapaliban ang halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa ikalawang pagkakataon.

"The President has signed into law the resetting of the barangay and SK elections," ulat ni Majority Floor Leader Rudy Farinas nitong Miyerkules.



Ang Republic Act No. 10952 ay nagtakda ng lokal na halalan hanggang Mayo 2018. 

Mananatili muna sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal hanggang sa mahalal ang mga papalit sa kanila sa Mayo 2018, ayon sa batas.


Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) Chair na si Andy Bautista sa isang pahayag nitong Miyerkules na tinanggap ng ahensiya ang balita tungkol sa pagpapaliban ng nasabing elections.

"The Commission en Banc will be issuing the necessary Resolutions to effectuate this new law," 
"In the meantime, we advise all deputized agencies and election partners to immediately begin ramping down their election-related activities and await more detailed instructions and guidelines from the Commission on how to move forward."



Sa 42,000 barangay sa buong bansa, umaabot sa 20,000 ang itinuturing na nabubulok ng mga bawal na gamot, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Sinabi din ni Duterte noong Disyembre 2016 na ang dose-dosenang mga opisyal ng barangay ay nasa "narco-list," na naglalaman ng mga personalidad na sinasabing nakakabit sa iligal na droga. Kaya ito ang nag udyok sa Presidente na ikansela muna ang mga Baragay elections.

Maglalaan din ng P6.09 bilyon bilang continuing appropriations para sa pagdaos ng eleksyon sa Mayo.

Ito na ang ikalawang pagkakataong naantala ang barangay at SK elections.



Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: