Dec 5, 2017

Reporter na tumestigo sa impeachment compliant laban kay Sereno, nakatanggap umano ng Death Threat

Manila Times reporter Jomar Canlas testifying during a hearing on the impeachment complaint against Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, photo compiled from Google
Ilang araw matapos na humarap sa impeachment hearing laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kamara , nakatanggap ng death threat diumano ang Manila Times reporter na si Jomar Canlas.

Ayon kay Canlas, noong December 1, Biyernes, dalawang beses siyang nakatanggap ng parehong text message kung saan pinagbabantaan na siya ay papatayin.



“P******** mo jomar canlas, 3 kmi ang papatay syo, marami ka na kasalanan sa amin, magbilin ka na sa asawa mo at anak mo, bago ka mamatay. Hdi to pananakot, ds time talagang patay ka jomar.”

Marami na raw kasalanan si Canlas sa nagpadala ng mensahe kaya dapat na raw itong magpaalam na sa kanyang asawa at mga anak.

Nabatid na noong Nob¬yembre 27 (Lunes) nang humarap sa pagdinig si Canlas sa Kamara kung saan kinumpirma niya aniya, na base sa mga confidential information at document na kanyang nakuha mula sa loob ng Korte Suprema, minaniobra umano ni Sereno ang ipinalabas na temporary restraining order tungkol sa petisyon na inihain ng Senior Citizens Partylist laban sa disqualification na ipinataw sa kanila ng Comelec noong 2013 Elections. Bukod sa kaso ng Senior Citizen Partylist, ibinunyag din ni Canlas ang diumano’y resulta ng psychiatric test ni Sereno noong siya ay aplikante pa lamang sa pagkapunong-mahistrado, at ang hindi umano pagkakasama ng kanyang kinita mula sa paghawak ng kaso ng PIATCO sa kanyang Statement of Assets.



Kaugnay nito, nagtungo sa Manila Police District si Canlas para magpa-blotter at threat assessment.
Jomar Canlas affidavit for death threats, photo from manilatimes.net

Hinarap din siya ni MPD director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na nagsabing ‘serious’ ang kaso ni Canlas na hindi dapat ipagwalang-bahala dahil may kaugnayan ito sa mabigat na usapin sa Kamara.

Handa ang MPD na bigyan ng security si Canlas matapos siyang isalang sa assessment ng MPD-GAIS.

Source: manilatimes.net


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


Loading...

We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: